^

Metro

Bumbero naghanda, maglilibot sa Maynila

-
Upang isiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa sunog, hihigpitan ang pagmo-monitor sa pamamagitan ng paglilibot ng mga bumbero at volunteer brigade sa lahat ng lansangan sa lungsod ng Maynila simula ngayong araw na ito, Dis. 23, hanggang sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang nasabing hakbang ay ipinag-utos kasunod ng sunog sa Paco, Maynila kahapon ng umaga dahil sa napabayaang appliance na nag-overheat sa bahay ng isang Agapito Guevarra sa 1163 Enrique st., Paco, sanhi ng pagkatupok ng tatlo pang unit ng apartment kung saan isa rito ay pinag-iimbakan ng mga paputok.

Sinabi ng mga arson investigators na nagsimulang mamataan ang makapal na usok bandang alas-6:35 ng umaga sa bahay ni Guevarra. Ang apoy ay madaling sumiklab at kumalat nang magsimulang magputukan ang mga firecrackers sa tatlo pang katabing unit o apartment.

Kaugnay nito, walang iniulat na nasaktan o nasugatan sa naturang insidente na tinatayang umaabot sa P4-milyon halaga ang nasira.

Sinabi naman ni Sr. Fire Officer 2 Reden Alumno, ng Bureau of Fire Protection na nagbigay na ng direktiba ang kanilang matataas na opisyales na umalerto simula ngayon at sa New Year’s Eve.

Karamihan sa mga pamatay-sunog sa anim na fire stations sa lungsod at mga fire volunteer brigades na nakabase sa Binondo ay itinalaga na sa lahat ng mga kalye sa lungsod upang i-monitor ang galaw ng mga residente na nagpaplanong magsunog din ng gulong sa kalye na karaniwang isinasagawa sa pagsalubong ng Bagong Taon. (Ulat ni Ellen Fernando)

AGAPITO GUEVARRA

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

ELLEN FERNANDO

MAYNILA

NEW YEAR

REDEN ALUMNO

SINABI

SR. FIRE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with