Ayon sa MMDA-Traffic Operation Center, noong Disyembre 18, hinarangan ng mga ralista ang buong north-bound ng EDSA na naging malaking abala sa mga motorista na naging dahilan upang maparalisa ang ilang negosyo dahil sa naranasang matinding trapik.
Sinabi ng MMDA na iginagalang nila ang karapatan ng mga ralista ngunit dapat anyang sumunod din sila sa batas lalo na sa darating na Pasko dahil may 25 porsiyento ang inaasahang daragsa sa lansangan upang magsagawa ng pag-aklas laban sa Pangulo sa nagaganap na impeachment trial sa Senado.
Muling nagbanta ang anti-Erap group na nakahanda silang iparalisa ang ilang operasyon ng negosyo kapag hindi nakuntento ang taumbayan sa magiging desisyon ng Senado at kung sakaling maabsuwelto si Pangulong Estrada. (Ulat ni Lordeth Bonilla)