^

Metro

Metro Manila paparalisahin ng anti-Erap group

-
Naalarma ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa bantang mapaparalisa ng mga anti-Erap group ang Metro Manila dahil sa sunud-sunod na pag-aaklas na isasagawa ng mga ito.

Ayon sa MMDA-Traffic Operation Center, noong Disyembre 18, hinarangan ng mga ralista ang buong north-bound ng EDSA na naging malaking abala sa mga motorista na naging dahilan upang maparalisa ang ilang negosyo dahil sa naranasang matinding trapik.

Sinabi ng MMDA na iginagalang nila ang karapatan ng mga ralista ngunit dapat anyang sumunod din sila sa batas lalo na sa darating na Pasko dahil may 25 porsiyento ang inaasahang daragsa sa lansangan upang magsagawa ng pag-aklas laban sa Pangulo sa nagaganap na impeachment trial sa Senado.

Muling nagbanta ang anti-Erap group na nakahanda silang iparalisa ang ilang operasyon ng negosyo kapag hindi nakuntento ang taumbayan sa magiging desisyon ng Senado at kung sakaling maabsuwelto si Pangulong Estrada. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

DISYEMBRE

ERAP

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAALARMA

PANGULONG ESTRADA

SENADO

TRAFFIC OPERATION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with