Binatilyo tinodas ng karibal sa panliligaw
December 22, 2000 | 12:00am
Isang 16-anyos na binatilyo ang pinatay ng umanoy karibal niya sa panliligaw sa isang magandang dalaga, kahapon ng umaga sa Road 10, Vitas, Tondo, Maynila.
Namatay sa saksak ang biktimang si Michael dela Cruz, construction worker, ng Bldg. 17, Katuparan Bliss, Vitas, Tondo.
Ang bangkay ni dela Cruz ay natagpuan ng mga residente na may tatlo hanggang anim na oras nang patay.
Sa isinagawang pagsisiyasat ni Detective Dave Tuazon, ng Western Police District-Homicide Division, madalas na napagkikita ang biktima sa bisinidad ng Katuparan Bliss Housing na kasa-kasama ng ilang kaibigan na pawang miyembro ng Solvent Gang patungong Aroma compound upang bisitahin ang kanyang nililigawan.
Nabatid na nang magsimulang manligaw ang biktima ay ilang grupong kalalakihan na ang nagbabanta sa kanya na tigilan na nito ang pag-akyat ng ligaw dahil sa may karibal umano ito na di-binanggit ang pangalan.
Nang bumalik ang biktima sa nasabing lugar upang muling diskartehan ang babae ay hinihinalang hinarang ng mga di-killang salarin at pinagtulungang saksakin ang biktima ng magkaibang uri ng patalim. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended