^

Metro

Kalaguyo ni mister binuhusan ng kumukulong tubig ni misis

-
Dahil sa galit ng isang ginang nang maaktuhang nakikipagtalik ang kanyang mister sa isang magandang waitress sa loob ng isang sidecar, binuhusan nito ng kalahating timba ng kumukulong tubig ang nasabing kalaguyo ng lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Annabel Lincana Alvarez, 24, waitress ng Relis Beerhouse sa Pier 4, North Harbor, Tondo at residente ng Mabuhay st., Road 10, ng nasabing lungsod. Siya ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital dahil sa matinding pagkalapnos ng balat.

Pinipigil naman sa Western Police District-Station 2 ang misis na si Marilyn Kempis, cigarette vendor ng #1171 Mabuhay st., Tondo, dahil sa ginawang pananakit sa babae ng kanyang mister.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO4 George Acosta, may hawak ng kaso, bandang alas-9:30 ng gabi nang magtungo sa tapat ng kanilang bahay ang biktima upang dalawin ang kanyang kalaguyong si Rogelio (Kempis), 45, asawa ng suspek.

Nang mamataan ito ni Rogelio ay patagong lumabas ito ng bahay at magkasunod na nagtungo ang dalawa sa loob ng sidecar na nakaparada di-kalayuan sa kanilang bahay.

Lingid sa kanila ay naging matalas ang pang-amoy ng suspek at agad na sinundan sila at nang positibo na nagsisimulang magromansahan ang dalawa ay mabilis na inutusan ni misis ang kanyang katulong para magpakulo ng tubig.

Habang nagtatalik ang magkalaguyo ay dahan-dahang lumapit ang suspek pero nakita siya ng biktima at pabalikwas niyang tinabig si mister at kumaripas ito ng takbo.

Ngunit sadyang minalas ang biktima makaraang madapa at matagumpay na nabuhusan ng mainit na tubig ng suspek na galit na galit. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANNABEL LINCANA ALVAREZ

ELLEN FERNANDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL HOSPITAL

GEORGE ACOSTA

MABUHAY

MARILYN KEMPIS

NORTH HARBOR

RELIS BEERHOUSE

ROGELIO

WESTERN POLICE DISTRICT-STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with