LPG sumabog: 5 katao sugatan

Lima katao ang sugatan makaraang sumabog ang isang LPG tank sa loob ng isang bakery, kahapon ng madaling araw sa Cubao, Quezon City.

Ginagamot sa Quirino Medical Center sina Purificacion Ocampo, Benjamin Plan, Michael Mendiola, Alicia Durado at Reynaldo Escanan na pawang tauhan sa Jude Bakery na pag-aari ni Nestor Atuana sa #25 3rd Place st., Cubao.

Nabatid na bandang alas-12:30 ng madaling araw kahapon habang abala sa paggawa ng mga tinapay ang mga biktima sa naturang bakery ng biglang sumabog ang tangke na nasa ilalim ng oven nito. Mabilis na kumalat ang apoy at kahit nakatakbo palabas ang mga biktima ay nahagip pa rin sila ng apoy kaya nagtamo ang mga ito ng 2nd at 1st degree burns. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments