^

Metro

Dugo dadanak kapag naulit ang pagsalakay sa pirated VCD

-
Nangangambang dumanak ang dugo sa Edsa Central Shopping Complex sa Mandaluyong City dahil sa sunud-sunod na pananalakay sa mga nagbebenta ng pirated bold video compact discs, matapos magbanta ang isang umano’y sindikato nito.

Ayon kay SPO1 Felipe Lim, Jr., hepe ng Mandaluyong City Anti-Vice Group na humingi na sila ng tulong kay Supt. Jose Gentiles, hepe ng Mandaluyong police, upang bigyan sila ng back-up sa mga susunod nilang operasyon sa pangambang inaabangan na sila ng sindikato sa susunod nilang mga raid.

Nabatid na limang miyembro ng anti-vice ang nagsagawa ng isang "test buy" sa mga tindahan sa Edsa Central dakong alas-8 ng gabi noong Disyembre 12 sa nasabing shopping complex sa may Shaw blvd. Isang stall ang napatunayang nagbebenta ng mga piniratang mga VCD, pero pumalag na sumama sa kanila ang apat na tindero.

Dito ay lumabas ang tinatayang 60 kataong miyembro ng umano’y grupo na nagbibigay proteksiyon sa mga tindahan sa EDSA Central at pinaligiran ang limang miyembro ng anti-vice at binantaang papatayin kung ipagpapatuloy ang panghuhuli sa mga tindero ng porno VCDs.

Dahil sa kakulangan ng puwersa ay umatras ang anti-vice, pero bago tuluyang nakaalis ay muling binantaan ng sindikato ng "kung mang-aaresto pa kayo dito ng kahit isa sa mga bata ko ay dadanak ang dugo dito, dadanak ang mga dugo ninyo sa kinatatayuan ninyo."

Mula nitong Nobyembre ay walo katao na ang naaresto sa iba’t ibang VCD stall sa lungsod at nakakumpiska na ang anti-vice unit ng higit sa 200 bold VCDs. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DANILO GARCIA

EDSA CENTRAL

EDSA CENTRAL SHOPPING COMPLEX

FELIPE LIM

JOSE GENTILES

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY ANTI-VICE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with