Ang kaguluhan ay naganap dakong alas-9:30 ng gabi habang nagaganap ang misa. Bigla na lamang umanong nangalampag ng mga pintuan at gate ang mga pro-Erap na pinamumunuan nina Engr. Rey Bernal at isang university professor Alfredo Soledad at pawang mga miyembro ng Citizens Alliance for Reforms (CARE) at mga parishioner din ng nasabing simbahan.
Nabatid na naubusan ng pasensiya ang mga pro-Erap na dumalo sa misa ng makita ng mga ito ang pagsindi ng ilaw ng may 12-talampakang taas na Christmas tree na nakatabi sa may shame billboard na dinisplay umano ng anti-Erap sa compound ng simbahan.
Ayon kay Bernal, dapat umanong itigil na ang paggamit sa nasabing simbahan sa pulitika.
Napayapa lamang ang pro-Erap group ng boluntaryong buwagin ng anti-Erap ang shame billboard. (Ulat ni Andi Garcia)