^

Metro

Driver tinodas ang sarili matapos barilin ang ka-live-in

-
Dahil sa selos, binaril ng isang driver ang kanyang live-in partner bago ito nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril din sa sarili, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patay na ng matagpuan sa kanyang silid si Angelito Junsay, 54, driver, ng Abes compound, Sangandaan nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .38 baril sa sintido.

Agaw-buhay naman sa MCU Hospital ang kinakasama nitong si Marlyn dela Peña, 43, fish vendor, ng nasabing address na nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ni C/Insp. Alfredo Corpuz, hepe ng Station Investigation and Intelligence Division (SIID) ng Caloocan police, nag-away ang dalawa matapos maghinala si Junsay na may ibang lalaki si dela Peña. Ang pagtatalo ay nauwi sa pagkuha ng lalaki ng kanyang baril at binaril sa ulo ang babae.

Ang insidente ay nakatawag ng pansin sa mga kapitbahay na agad nagsugod sa biktima sa ospital habang si Junsay ay naiwan sa kanilang kuwarto at ilang oras umanong nagkulong.

Ilang sandali pa ay nakarinig ng isang putok ang mga kapitbahay at ng kanilang puntahan ay natagpuan ang bangkay ni Junsay.

Narekober sa crime scene ang kalibre .38 baril at isang masusing pagsisiyasat na ang isinasagawa. (Ulat ni Gemma Amargo)

AGAW

ALFREDO CORPUZ

ANGELITO JUNSAY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

GEMMA AMARGO

ILANG

JUNSAY

STATION INVESTIGATION AND INTELLIGENCE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with