3-anyos nagka-'tulo' kay lolo

Isang 3-anyos na batang babae ang pinaniniwalaang nagka-‘tulo’ makaraang paulit-ulit na halayin ng kanyang kapitbahay na lolo, magmula noong Hunyo hanggang Disyembre taong ito sa Paco, Maynila.

Naaresto si Leoncio Daliba, 72, ng 1340 Interior 5, Burgos st., Paco.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Laura Cipres, ng Women’s Children Concern Desk sa Western Police District Station 10, nadiskubre ng ina ang krimen makaraang tumanggi ang biktima na magpahugas ng ari nito dahil na rin sa pamamaga.

Minabuti ng ina na ipasuri sa PGH ang bata at dito natuklasang may sakit itong tulo dahil sa infection. Lumalabas din sa ulat ng NBI Medico-Legal Division na ginahasa ang biktima.

Positibo namang itinuro ng bata ang suspek na gumahasa sa kanya. (Ulat ni Mario D. Basco)

Show comments