Amo na 'di nagpabale, inutas ng dishwasher
December 14, 2000 | 12:00am
Matapos hindi maka-bale sa tatanggaping Christmas bonus, pinagpapalo ng tubo sa ulo hanggang sa mapatay ng isang dishwasher ang kanyang among Intsik sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Western Police District-Homicide Section chief, C/Insp. Juanito Taluban, ang biktima na si Ung Yee, alyas Lolo Apak, 91, stay-in at caretaker ng Silver Star Hotel and Restaurant na matatagpuan sa 2201 Rizal Avenue, panulukan ng Batangas st., Sta. Cruz.
Tumakas at pinaghahanap na ang hinihinalang salarin na si Zaldy Cervantes, 21, binata, stay-in at dishwasher ng naturang restoran.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Det. Edd Kho, officer-on-case, nadiskubre lamang ang bangkay ng biktima ng mga trabahador nito dakong alas-6:15 ng umaga na nakahandusay sa loob ng kanyang Tamaraw FX (THZ-381) na nakatali ang dalawang kamay at may busal ng basang basahan sa bibig.
Ayon kay Federico Borja, 37, cashier ng naturang restoran, nakita niya si Cervantes na nagmamadaling pumasok sa kanyang silid mula sa pakikipag-inuman sa ilan niyang kasamahan sa trabaho at pagkatapos ay lumabas din at mabilis na nagtungo sa banyo at naligo. Ilang sandali pa ay lumabas ito ng kanyang silid na dala na ang kanyang bag na naglalaman ng mga damit nito.
Ayon pa kay Borja, nang tanungin niya si Cervantes kung saan ito pupunta, sinabi nitong aalis na siya sa kanilang pinapasukan dahil mayroon na siyang malilipatang bagong kumpanya na mas mataas ang pasahod at ang kanyang tiyuhin ang magpapasok sa kanya.
"Bakit hindi mo na lang hintayin ang bonus natin, tutal malapit na ang kalahati ng buwan?" pahayag umano ni Borja na sinagot naman ng suspek na babalik na lamang ito sa naturang petsa.
Malaki ang paniwala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa pagpaslang sa biktima dahil sa nawawala umano ang halagang P5,000 ng biktima na nakalagay sa kanyang bulsa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended