PBA player nanapak ng family driver dahil sa P100
December 14, 2000 | 12:00am
Matapos ang matagal na pagsasama bilang mag-amo, halagang P100 lamang ang naging sanhi ng pagkasira ng kanilang relasyon matapos na sapakin umano ng basketball player na si Terry Saldaña ang kanyang 70-anyos na family driver, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.
Nagsampa ng kasong slight physical injuries sa himpilan ng Criminal Investigation Division ng Pasig police ang driver na si Salvador Ibañez, may asawa, tubong Kaibiran, Leyte at taga-#106 Swallow Drive, Libis, Quezon City habang nagsampa naman ng kanyang sariling reklamo si Saldaña, 35, may asawa, kasalukuyang naglalaro ngayon sa koponang Batang Red Bull sa Philippine Basketball Association (PBA), at residente ng #15 City Lodge, Bgy. Oranbo, Pasig.
Base sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-3:45 ng hapon noong Martes habang nagpapagawa ng kotse sa isang talyer sa Canley Rd., Pasig si Saldaña. Dumating ang asawa ng player na nakilala lamang sa tawag na Gowen kasama ang driver na si Ibañez.
Sinabi ni Ibañez na inutusan umano siya ng kanyang Mam na humingi ng pera kay Saldaña. Nang lumapit ito ay sinabi ni Saldaña na wala umano siyang pera.
Muli umano siyang pinabalik ng kanyang Mam sa basketbolista at saka siya nito inabutan ng P100. Dito na umano siya biglang sinapak sa noo ni Saldaña na nagresulta sa pagka-knock-out niya sa semento.
Ayon naman kay Saldaña, nang abutan umano niya ng pera si Ibañez ay sinabihan umano siya nito na, "May pera naman pala siya ay bakit hindi pa ito agad na ibinigay sa kanya."
Idinagdag pa nito na sa gitna ng kanilang pagtatalo, tinangka umano siyang sugurin ng malaking bato ni Ibañez ngunit nagawa niyang masangga. Inireklamo rin ni Saldaña ang ginawang pagsipa ni Ibañez sa kanyang mga paa at tiyan.
Pinag-aaralan na ngayon ng pulisya ang magkaibang akusasyon ng dalawang panig habang naghahanda ng demanda ang bawat isa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest