^

Metro

Misis na naghamon ng hiwalayan, sinaksak ni mister

-
Abut-abot ang pagsisisi ng isang 51-anyos na mister sa nagawa niyang krimen sa kanyang misis matapos na masaksak niya ito sa sikmura nang maghamon ng paghihiwalay ang biktima sa gitna ng kanilang pag-aaway, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nasa kritikal na kondisyon sa Amang Rodriguez Medical Center si Margarita Vinas, 36, tindera, residente ng Apitong st., Marikina Heights, Marikina City.

Agad namang naaresto ng pulisya ang asawa niyang si Arnold Vinas, walang trabaho. Inihahanda na ang kasong frustrated homicide sa korte.

Sa imbestigasyon ni PO2 Edwin Arce, nabatid na umuwing lasing sa kanilang bahay ang suspek dakong ala-una ng madaling-araw. Sinalubong siya ng galit na biktima at nag-umpisang magtanong kung bakit na naman siya inumaga.

Nagtalo ang dalawa nang kuwestiyunin ng babae ang pagkagumon sa alak ng asawa sa kabila na wala naman itong trabaho. Dahil lasing, naging brusko si Vinas sa asawa at nanakot na sasaktan kapag hindi tumigil ng katatalak.

Hindi naman tumigil sa kanyang paglilitanya ang biktima hanggang sa hamunin nito ng hiwalayan ang asawa dahil sa wala naman itong silbi at hindi kayang bumuhay ng pamilya.

Tuluyan nang nawalan ng kontrol sa kanyang sarili si Vinas at nakakuha ng kutsilyo at tinakot na papatayin ang asawa. Hindi naman natakot si Vinas at hinamon pang ituloy ito.

Tinotoo naman ng suspek ang pananakot at wala sa sariling sinaksak si misis sa sikmura. Matapos mabatid ang kanyang nagawa, isinugod pa ng suspek ang asawa sa ospital bago sumuko sa pulisya.

Wala naman ngayong paglagyan ang pagsisisi ng suspek sa kanyang nagawang kasalanan at umaasang patatawarin pa ng biktima kapag tuluyang gumaling ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ARNOLD VINAS

ASAWA

DAHIL

DANILO GARCIA

EDWIN ARCE

MARGARITA VINAS

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with