^

Metro

Driver na tumangay ng bus, hinatulan ng 17 taong kulong

-
Hindi maganda ang bunga ng paghihiganti ng isang 40-anyos na bus driver sa kumpanyang kanyang pinapasukan matapos na hatulan ng Pasig City Regional Trial Court na makulong ng 17 taon pagkabilanggo matapos mapatunayang tinangay ang minamanehong bus nito nang sibakin siya sa trabaho noong nakalipas na taon sa Taguig.

Bukod sa nasabing hatol inatasan din ni Judge Jesus Bersamira ng Branch 166 ang akusadong si Henry Jallores, may-asawa at residente ng Taguig na bayaran ang kabuuang ginastos sa kaso ng dati nitong pinapasukang Eastman Transport Corp.

Sa rekord ng korte sinibak sa trabaho si Jallores noong Abril 14,1999 dahil sa palagiang pagmamaneho nito ng lasing.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw ng tangayin nito ang kanyang minamanehong bus na may plakang PXP-999 habang nakaparada sa FTI ng nasabing bayan.

Matapos ang dalawang araw ay natagpuan ito sa tapat ng barangay outpost ng Bgy. San Dionisio sa Parañaque City.

Naaresto ang akusado sa loob mismo ng kompanya ng bus na nilalakad na muling siyang makapasok. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABRIL

BANDANG

BGY

DANILO GARCIA

EASTMAN TRANSPORT CORP

HENRY JALLORES

JUDGE JESUS BERSAMIRA

PASIG CITY REGIONAL TRIAL COURT

SAN DIONISIO

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with