Kinilala ni Chief Insp. Nelson Yabut, DILG-STF chief, ang mga naarestong suspek na sina Donato Rotega, 40, driver ng passenger jeep na kinalululanan ng mga aso; Robert Medina, 48, negosyante at Arnold Aguilar, 29, binata, helper na pawang nakatira sa Mendoza st., Bgy. San Roque, San Pedro, Laguna.
Ayon sa ulat ni C/Insp. Yabit kay DILG Secretary Alfredo Lim, nasabat ng mga awtoridad ang mga suspek at naturang mga aso lulan ng nasabing pampasaherong jeep galing Laguna sa harap ng Camp Aguinaldo sa EDSA, QC bandang alas-11:00 ng gabi.
Nakatanggap ng report si C/Insp. Yabut mula sa Animal Political Lobby, isang non-government organization (NGO) na nakatakdang mag-deliver ng mga aso ang naturang mga suspek sa Northern Luzon mula sa Laguna.
Inatasan ni Yabut ang kanyang mga tauhan na abangan ang naturang jeep hanggang sa mamataan nila ito sa tapat ng Camp Aguinaldo kaya nang sitahin nila ay nagtahulan ang mga aso sa loob ng improvised na kulungan.
Inaresto ang mga suspek dahil sa paglabag ng mga ito sa Section 4 ng RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998. (Ulat ni Rudy Andal)<