Trader hinoldap bago ginulpi ng ex-police
December 10, 2000 | 12:00am
Isang negosyante ang nagsampa ng kaso sa pulisya matapos siyang gulpihin at holdapin ng isang dating pulis at kasama nito habang nagkakape sa terasa ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.
Ang biktima ay nakilalang si Arthur Cortes, 56, may asawa, at residente ng J.P. Rizal st., Magsaysay Village, Tondo, Manila na natangayan ng relos at gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P43,000.
Samantala, ang suspek ay si dating PO1 Francisco Bacunawa, dating nakatalaga sa Western Police District-Tactical Operation Center at residente ng Maginoo st., Tondo.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga ay nagkakape ang biktima sa kanilang bahay nang biglang lumapit sa kanya si Bacunawa na may kasamang lalaki.
Agad siyang tinutukan ng baril at puwersahang kinuha ang kanyang relos at gintong kuwintas.
Nang pumalag ang biktima, siya umano ay pinagtulungang gulpihin ng mga suspek na mabilis ding tumakas sakay ng isang kotseng kulay pula na ang plaka ay may numerong 379.
Ayon sa WPD, ang suspek ay sangkot umano sa ibat ibang kaso ng panghoholdap at ito ay na-AWOL (absent without official leave) kaya sinibak sa serbisyo. (Ulat ni Grace Amargo)<

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am