Mayor Atienza, sisiyasatin sa kaso ng taong-grasa
Sa isang order na nai-furnish sa tanggapan ni Atienza, binigyan din ni Administrative Adjudication Bureau director Mary Susan S. Guillermo ang mga respondents ng 10 araw upang mag-file ng kanilang counter-affidavits at iba pang controverting evidence sa reklamo.
Si Atienza at ang kanyang task force ay nahaharap sa kasong grave misconduct, conduct grossly prejudicial to the best interest of the service at oppression.
Ayon kay Guillermo, may sapat na basehan upang ituloy ang administrative investigation ng kaso.
Sa reklamo ng mga biktima, puwersahan umano silang pinasakay ng mga tauhan ni Atienza sa isang maruming trak ng basura at saka itinapon na para ring basura sa Antipolo landfill.
Matapos nito ay dinala ang mga biktima kay Antipolo Mayor Angelito Gatlabayan na siya namang nagpakain sa kanila at nagbigay ng pamasahe pauwi. (Ulat ni Andi Garcia)
- Latest
- Trending