Thrill killer gumagawa sa Navotas, Malabon
December 8, 2000 | 12:00am
Isang thrill killer na umanoy may diperensiya sa pag-iisip ang gumagala ngayon sa bayan ng Navotas at Malabon.
Pinakahuling biktima ay si Alvin Pilapil, 26, ng Quirtos st., San Jose nasabing bayan na nagtamo ng limang saksak sa katawan at kasalukuyang kritikal ang kondisyon sa Tondo Medical Center.
Pinaghahanap naman ng mga tauhan ng Navotas police ang isang alyas "Wat-Wat" na sinasabing responsable sa mga nagaganap na pananaksak sa dalawang nabanggit na bayan.
Napag-alaman na dakong alas-6 ng gabi habang naglalakad si Pilapil sa may Gulayan, Bgy. San Jose ng bigla itong lapitan ni Wat-Wat at biglang pagsasaksakin at tumakas na humahalakhak.
Napag-alaman na ang suspek ay nakikitang gumagala sa dalawang nabanggit na bayan tuwing sasapit ang gabi at kapag sinusumpong ng sakit sa utak ay basta na lamang nananaksak sa bawat makasalubong maging babae man o lalaki.
Sinabi ng isang Mang Tano, residente ng Bgy. San Jose, muntik na umano siyang mabiktima nito dahil noong nakaraang linggo habang naglalakad siya pauwi ay nakasalubong niya ang suspek na nakatawa at may hawak na patalim mabuti na lamang umano at nakatakbo siya.
Dahil dito, nanawagan ang mga residente na magsagawa ng pagroronda sa nasabing lugar upang madakip ang suspek na naghahasik ng lagim. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended