'Mad cow disease' binabantayan

Nasa red alert status ngayon ang mga tauhan ng Bureau of Animal Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport at mga bodega nito para manmanan ang pagpasok sa bansa ng Bovien Spongiform Encephalopathy (BSE) o mas kilala sa tawag na "mad cow disease" na galing Europa na nagbibigay ng bagong sakit na tinatawag na Crautsfeldt Jacob Disease.

Sinabi ni Dr. Dave Catbagan, hepe ng Animal Quarantine-NAIA, minomonitor nila ang mga pasaherong nanggagaling sa mga bansang United Kingdom, Ireland, Belgium, Denmark, France, Licchtenstein, Luxembourg, Netherlands, Portugal, Switzerland, Italy, Spain at Germany matapos magpalabas ng kautusan si Agriculture Secretary Edgardo Angara na pansamantalang i-ban ang importasyon ng baka, kambing at tupa, at mga produkto na makukuha sa mga hayop na nabanggit.

Ayon kay Catbagan, mas matindi ang mad cow disease dahil apektado dito ang nervous system ng isang taong kakain nito. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments