Kakambal ng ex-police chief tinodas ng pamangkin
December 5, 2000 | 12:00am
Isang 52-anyos na kakambal ng dating hepe ng Malabon police ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang sariling pamangkin, kahapon ng madaling-araw sa Malabon.
Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Melencio Buenaventura, kapatid ni Supt. Dante Buenaventura na dating hepe ng Malabon police at residente ng Sacrestia st., Bgy. San Agustin ng nasabing bayan.
Samantala, patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek at pamangkin ng biktima na si Obet Legaspi na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay matutulog na sana ang biktima nang makarinig ito ng malakas na pagkatok sa kanyang pintuan kayat kaagad nitong binuksan ang pinto.
Subalit laking gulat nito nang makita ang pamangkin na may hawak na baril at bigla na lamang itong pinagbabaril at saka tumakas.
Kaagad isinugod sa ospital ang biktima at bago ito nalagutan ng hininga ay naibulong nito sa kanyang mga kamag-anak ang pangalan ng suspek.
Nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya kung ano ang motibo ng pamamaslang ng suspek sa kanyang tiyuhin habang patuloy itong pinaghahanap ng mga awtoridad. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended