Pagcor magsusumite ng "motion for reconsideration" sa Korte Suprema

Nakatakdang magsumite ng "motion for reconsideration" ang Phil. Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Korte Suprema makaraang magdesisyon ang huli na hindi na makapagbibigay ng prangkisa ang una sa mga ahensyang nagnanais mag-operate ng jai-alai.

Ayon kay Senen Lainez, public relations director ng PAGCOR, bilang isang state-gaming agency na humahawak sa operasyon ng jai-alai, may paniwala ang kanilang ahensya na "in good faith" at mapapayagan ito batay na rin sa sinasaad ng charter.

Sinabi ni Lainez, bago mapanghawakan ng kanilang ahensya ang operasyon ng jai-alai, humingi muna sila ng opinyon ng Dept. of Justice at ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) na pawang nagbigay naman ng "go signal" upang ang kapangyarihan ay mapasakamay ng naturang ahensya. (Ulat ni Jhay Mejias)

Show comments