^

Metro

Reporter inalok ng prosti tumanggi, sinaksak ng bugaw

-
Matapos na tanggihan ang inaalok na prostitute, isang reporter ang nasugatan makaraang saksakin ng isang bugaw, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ayon sa biktimang si Gilbert Perdez, 19, reporter ng pahayagang Toro at nakatira sa #7 Apollo 10 st., San Gregorio Village nasabing lungsod, dakong ala-una ng madaling araw habang naglalakad siya pauwi sa tapat ng Edsa Rotonda motel sa Taft Ave. ay dalawang lalaki ang lumapit sa kanya at nag-alok kung gusto nito ng babae sa murang halaga.

Sa takot na mahawa sa sakit na nakukuha sa mga bayarang babae ay tinanggihan ito ni Perdez subalit nagalit ang dalawa at isa dito ang bumunot ng patalim at sinaksak sa tagiliran ang biktima. Mabuti na lamang at sa suot nitong belt tumama ang patalim at hindi naging malubha ang kanyang tama. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

EDSA ROTONDA

GILBERT PERDEZ

LORDETH BONILLA

MATAPOS

PASAY CITY

PERDEZ

SAN GREGORIO VILLAGE

TAFT AVE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with