Gayunman, mariing tinutulan ng ilang kasamahan ni Justo ang resolusyon dahil wala umanong naibahaging kabayanihan sa nasabing lungsod si Sarah Jane at naglalarawan lang anya ito ng pagiging isang imoral.
Ayon sa ilang konsehal, personal na interes ang motibo ni Justo at kaawa-awa lamang si Sarah Jane dahil kahit nasa kabilang buhay na ito ay ginagamit pa rin ang kanyang pangalan ng nasabing konsehal upang maging popular lamang sa publiko.
Si Sarah Jane ay nakatira sa San Juan st. sa nabanggit na lunsod at nais ni Justo na gawin itong Sarah Jane Salazar st.
Nauna nang nagmungkahi si Justo na magkaroon ng monumento si Salazar na tinutulan din ng mga taga-Pasay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)