^

Metro

Isa sa akusado sa Vizconde massacre makakalaya ?

-
Hindi nawawalan ng pag-asa na makalabas ng bilangguan ang isa sa akusado sa Vizconde massacre dahil sa isinumiteng motion sa Korte Suprema na magpapawalang bisa sa unang hatol ng mababang korte na habambuhay.

Ito ay makaraang magsumite ang akusadong si Miguel Rodriguez sa Korte Suprema ng Brief for Appellant upang ipabasura ang unang desisyon ng Parañaque Regional Trial Court na habambuhay.

Sinabi ni Rodriguez sa kanyang motion na hindi kapani-paniwala ang mga ibinigay na pahayag ng star witness na si Jessica Alfaro sa mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa paglalarawan ng una.

Binigyang diin pa rin ni Rodriguez na hindi rin naman napatunayan ng prosecution ang pakikipagsabwatan ng nasabing akusado sa pagpaslang sa mag-iinang Vizconde.

Magugunitang hinatulan ng habambuhay ni Paranaque Regional Trial Court Judge Amelita Tolentino ang mga akusadong sina Miguel Rodriguez, Hubert Webb, Antonio "Tony Boy" Lejano, Michael Gathalian, Hospicio "Pyke" Fernandez, Peter Estrada at Gerardo Biong sa kasong panggagahasa at pagpaslang sa mag-iinang Carmelita, Estrellita at Jennifer Vizconde. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

GERARDO BIONG

GRACE AMARGO

HUBERT WEBB

JENNIFER VIZCONDE

JESSICA ALFARO

KORTE SUPREMA

MICHAEL GATHALIAN

MIGUEL RODRIGUEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PARANAQUE REGIONAL TRIAL COURT JUDGE AMELITA TOLENTINO

PETER ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with