^

Metro

2 opisyal ng PLM kinasuhan sa Ombudsman

-
Ipinagharap ng kasong katiwalian sa tanggapan ng Ombudsman ang dalawang opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil sa umano’y pagsasabwatan sa pagwaldas ng perang donasyon para sa naturang unibersidad.

Sinampahan ng kasong anti-graft and corruption ang acting president ng PLM na si Ma. Corazon Veridiano at PLM Open University/Distance Education Program and Institute of Community Health Service and Midwifery coordinator Laura Evelyn Ciabal.

Lumalabas na nagbigay ng donasyon ang Executive Center for Professionals Inc. (ECPI) ng halagang P550,000 para sa PLM.

Kinuha ni Ciabal ang halagang P34,000 bilang cash advance sa Metrobank, habang ang natitirang pera na P516,000 tseke ay ibinigay niya kay Veridiano na idineposito naman ng huli sa ilalim ng kanyang pangalan.

Dahil sa hindi nakaabot ang donasyon sa nararapat nitong benepisyaryo ay nakatakdang ipatawag ng Ombudsman ang dalawa upang magbigay paliwanag sa nasabing akusasyon. (Ulat ni Grace Amargo)

CIABAL

CORAZON VERIDIANO

DAHIL

DISTANCE EDUCATION PROGRAM AND INSTITUTE OF COMMUNITY HEALTH SERVICE AND MIDWIFERY

EXECUTIVE CENTER

GRACE AMARGO

IPINAGHARAP

LAURA EVELYN CIABAL

OPEN UNIVERSITY

PROFESSIONALS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with