^

Metro

Opisina ni Lacson ginagamit daw sa pagpuslit ng mga paputok

-
Ginagamit umano ang tanggapan ni PNP Director General Panfilo M. Lacson para malayang makalabas sa pier ang mga container vans na naglalaman ng iba’t ibang klase ng mga imported pyrotechnics upang maibenta agad ang mga ito sa merkado.

Sinabi ng source, na dapat paimbestigahan ni Lacson ang isyu para malaman niya kung sinong grupo sa pier at kakutsaba nito ang gumagamit ng opisina niya.

Ayon sa source, dalawang container vans na may lamang paputok ang nakalabas na umano sa DASSAD ng Manila International Container Port (MICP) noon nakaraan linggo. Walo pang containers umano ang ginagawan ng paraan ng mga nagsabwatang tiwaling opisyal ng customs at ng ilang tauhan ng Firearms Explosives Office (FEO) para makalabas ng nasabing lugar.

"Liberalized ang mga imported pyrotechnics pero kailangan pa ring kumuha ng permiso sa Philippine National Police (PNP)," anang source.

Ayon sa source, ilalabas sa pamilihan ang nasabing mga paputok ngayon unang araw ng Disyembre para maubos ito bago sumapit ang bagong taon. May 35 container vans pa umano ang darating sa bansa ngayong linggo.

Sinabi pa ng source, ilalabas muna ng Metro Manila ang unang shipment ng mga imported pyrotechnics na nakalabas sa Bureau of Customs para dalhin ito sa iba’t ibang probinsiya na kaya ng publiko na bilhin ang nasabing produkto. (Ulat ni Butch M. Quejada)

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH M

DIRECTOR GENERAL PANFILO M

FIREARMS EXPLOSIVES OFFICE

LACSON

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with