Ang biktima na itinago sa pangalang Leslie ay sinamahan ni Chairwoman Pewee Nicolas ng Bgy. 78, Zone 7 sa tanggapan ng Caloocan police upang magsampa ng demanda laban sa mga naarestong suspek na positibong kinilala ng biktima na sina Geraldo Komer, 15; Orlando Gutierrez, 15; Ronald Eusebio; Alvin Cadatan; Jeffrey Cadatan at Eugenie Homer, pawang mga walang permanenteng tirahan.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Vivencio Gamboa, may hawak ng kaso, dakong alas-11 pasado kamakalawa ng gabi habang naglalakad ang biktima ay biglang sumulpot ang mga suspek at sapilitan siyang kinaladkad patungo sa likuran ng Manila Bank na matatagpuan sa kahabaan ng Caimito Road kanto ng MacArthur Highway ng nasabing lungsod.
Sinimulang paghahalikan ng mga suspek ang biktima hanggang sa hubaran ito at busalan ang kanyang bibig ng isang panyo at halinhinang gahasain.
Bagamat paika-ika at lupaypay sa hirap na sinapit, nagawa pa rin nitong makaalis ng lugar matapos iwanang walang malay ng mga nasabing suspek. Nakarating ang biktima sa tanggapan ni Nicolas at dito ipinagtapat ang nasabing pang-aabuso.
Walang kamalay-malay naman ang mga suspek sa ginawang pag-aresto sa kanila habang mahimbing na natutulog sa mga karitong matatagpuan sa Monumento at ngayoy nakakulong sa nasabing himpilan habang inihahanda ang kasong panghahalay laban sa kanila. (Ulat ni Gemma Amargo)