Bulutong-tubig di nakaya, empleyado nag-suicide
November 30, 2000 | 12:00am
Dahil sa di na matagalang sakit na bulutong-tubig (chicken pox), nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang empleyado ng insurance company, kahapon ng umaga sa Las Piñas City.
Ang biktimang si Juan Anacleto Fortich, 35, binata, empleyado ng Insular Life Company ay natagpuang nakaluhod na may tali ng sinturon ang leeg na nakakonekta sa grill ng kanilang comfort room sa #1 North 11, Angela Village, Talon ng nasabing lungsod.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 George Gabriel ng Criminal Investigation Division ng Las Piñas police, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-7:30 ng umaga ng kanyang pamangkin na si Marjo Yamada, 22, binata.
Ayon kay Marjo, kinaumagahan ay tuluy-tuloy umano siyang nagtungo sa kanilang comfort room upang umihi nang magulat siya ng makitang nakaluhod sa semento ang kanyang tiyuhin at nakalupaypay na ang ulo.
Humingi siya ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay subalit nang maalis ang sinturon na nakapulupot sa leeg ng biktima ay wala na itong buhay.
Nabatid na bago ang pagpapakamatay, palagi umanong malungkot at tila may malalalim na iniisip at hindi makausap ang biktima.
"Minsan naman po, kapag kinakausap ko siya, lagi niya akong sinisinghalan. Parating mainit ang ulo niya," umiiyak na pahayag ni Marjo.
Hinihinala ng pulisya na malamang na ang sakit na chicken pox ng biktima ang dahilan ng pagpapakamatay nito.
Masusing iniimbestigahan ng awtoridad ang tunay na motibo sa pagpapatiwakal ng biktima makaraang wala itong iniwanang suicide note. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended