^

Metro

Pagbubukas ng Payatas dumpsite tinutulan

-
Mariing tinututulan ni Senador Gregorio Honasan ang plano ng Malacañang ng muling pagbubukas ng Payatas dumpsite upang muling pagtapunan ng basura mula sa iba’t ibang lugar pa sa Metro Manila.

Ayon kay Honasan, hindi na dapat pang buksan ang nasabing dumpsite dahil sa panganib na dulot nito sa pamumuhay at kalusugan ng mga residente sa paligid ng Lupang Pangako.

Ang planong ito umano ay isang imbitasyon lamang sa panibagong trahedya.

Lumilitaw na ang pagbubukas ng Payatas dumpsite ay bunsod na rin ng kabiguang makahanap ng angkop na lugar para sa pagtatayuan ng sanitary landfill ng mga basurang mahahakot sa Kamaynilaan.

Nangangamba ang mga opisyal ng pamahalaan ng posibleng pagsulpot ng krisis sa basura dahil sa nakatakdang pagsasara ng San Mateo Landfill sa Disyembre 31, 2000.

Kasabay nito, tinutulan ng Senado ang balakin ng Metro Manila Development Authority na magkaroon ng walong dumpsite sa piling munisipalidad at lungsod sa MM.

Sa halip umanong isulong ang panukala, mas makabubuti kung pagtutuunan ng pansin ng mga opisyal ng pamahalaan ang promosyon ng wastong pagtatapon at segregation ng basura sa ilalim ng recycling. (Ulat ni Doris M. Franche)

AYON

DISYEMBRE

DORIS M

FRANCHE

LUPANG PANGAKO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PAYATAS

SAN MATEO LANDFILL

SENADOR GREGORIO HONASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with