Maid nabigong magahasa, rapist inabangan bago tinodas
November 29, 2000 | 12:00am
Binaril at napatay ang isang katulong ng kanyang lalaking kapitbahay matapos umano itong mabigong gahasain ng huli kamakalawa ng gabi sa Caloocan.
Kinilala ni Supt. Eduardo Bayangos, hepe ng Caloocan City police station 2 ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Caloocan na si Violeta Eduardo, ng 121 Aglipay st., nabanggit na lungsod.
Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Gabriel Angeles, alyas "BokBok",52, at kapitbahay ng biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Alberto Eustaquio, dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ng maganap ang pamamaril di-kalayuan sa bahay ng biktima.
Nabatid na naglalakad ang biktima di-kalayuan sa bahay nito nang biglang lapitan ni Angeles sabay bunot ng kanyang kalibre .45 at saka pinaputukan ito ng malapitan sa ulo.
Nabatid mula sa kapitbahay ng biktima na ayaw magpabanggit na pangalan, bago maganap ang naturang insidente ay ipinagtapat sa kanya ni Eduardo na pinasok siya sa loob ng kanyang tahanan ng suspek at pinagtangkaan siyang halayin subalit nagawa niyang makatakbo papalabas ng kanyang bahay.
May hinala ang pulisya na maaaring natakot ang suspek na magsumbong ang biktima sa mga awtoridad kayat upang mapagtakpan ang ginawa nitong tangkang panggagahasa ay inunahan niya itong patahimikin. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended