^

Metro

Emergency meeting ng DILG inisnab ng Metro mayors

-
Inisnab ng mga alkalde ng Metro Manila ang ipinatawag na emergency meeting ng Department of Interior and Local Government (DILG) kahapon ng umaga bagkus ay apat na local chief executive lamang ang dumalo para pag-usapan ang magiging hakbang hinggil sa nakaabang na isang linggong protesta sa Kalakhang Maynila ng cause-oriented groups.

Ang mga dumalo lamang sa emergency meeting na pinangasiwaan ni DILG Undersecretary Narciso Santiago, Jr. ay sina Manila Mayor Lito Atienza, Malabon Mayor Amado Vicencio, QC Mayor Mel Mathay Jr. at Taguig Mayor Ricardo Papa, Jr.

Nagpadala lamang ng kanilang mga kinatawan ang ibang alkalde kaugnay sa biglaang pagpupulong na ito sa DILG at hindi umano sinadyang hindi dumalo sa meeting.

Ayon sa napagkasunduan na ipapatupad sa gaganaping 1-week na kilos-protesta ng mga militanteng grupo para pilitin si Pangulong Estrada na magbitiw sa kanyang puwesto ay ang pagpapatupad ng maximum tolerance, pagbuwag sa anumang barikada at obstructions na isasagawa ng mga ralista at pag-aresto sa mga lalabag sa batas at gagawa ng kaguluhan.

Sinabi pa ni Usec. Santiago, siniguro din ng mga alkalde na 24-oras na nasa kanilang tanggapan ang mga inquest prosecutor’s upang masiguro na maisasampa kaagad ang mga kaso sa mga lalabag sa batas. (Ulat ni Rudy Andal)

KALAKHANG MAYNILA

MALABON MAYOR AMADO VICENCIO

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYOR MEL MATHAY JR.

METRO MANILA

PANGULONG ESTRADA

RUDY ANDAL

TAGUIG MAYOR RICARDO PAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with