Rape suspek nanlaban sa pulis, tinodas
November 25, 2000 | 12:00am
Nabaril at napatay ng mga kagawad ng Caloocan police ang isang rape suspek matapos itong manlaban habang inaaresto, kahapon ng madaling-araw sa Bagong Silang, Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Tala Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng armalite ang biktimang si Gualberto Gihapon alyas Willie, ng Phase 8-B Block 23, Excess Lot, Bagong Silang.
Nabatid na bago maganap ang insidente dakong ala-una ng madaling-araw, isang estudyante ng Tala High School na itinago sa pangalang Adora ang sinamahan ng tiyahin nitong si Rosario Romanca sa himpilan ng pulisya upang ireklamo si Gihapon tungkol sa panghahalay nito sa dalagita.
Kaagad namang nagresponde sina P/Insp. Ryan David, SPO1 Jorge Ortega, SPO1 Santiago Makiling at ilang miyembro ng barangay tanod sa bahay ni Gihapon para arestuhin ito subalit nang nasa akto nang aarestuhin si Gihapon ay nanlaban umano ito na armado ng ice pick at sumpak at agad na sinaksak si SPO1 Ortega na tinamaan sa kaliwang braso, na naging dahilan upang magkaroon umano ng pag-aagawan ng armalite sa pagitan nina Gihapon at Ortega.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na lamang ng isang putok at humandusay si Gihapon. Mabilis naman itong isinugod sa pagamutan subalit dead-on-arrival ito. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended