Sarhento ng pulis tinodas habang natutulog
November 24, 2000 | 12:00am
Tuluyan nang hindi nagising sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ang isang sarhento ng pulisya ng Marikina police station matapos siyang barilin ng isang hindi nakilalang salarin na pumasok sa kanilang bahay, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center si SPO3 Desiderio Peralta, nakatalaga sa Police Kababayan Center 4 at residente ng M. Sevilla st., Bgy. Parang, Marikina City.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SP01 Arnel Manuel ng Criminal Investigation Division, dakong alas-3 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog si Peralta katabi ang misis nitong si Marilyn nang pasukin sila ng suspek.
Nabatid na kasalukuyan pa umanong ginagawa ang bahay ng biktima at madali itong napasok ng hindi nakilalang suspek dahil wala pa itong pinto.
Isang putok ng baril ang narinig ni Marilyn kung kaya agad siyang nagising. Isang lalaki umano ang nakita niyang mabilis na lumabas ng kanilang bahay.
Ayon kay Marilyn, hindi na umano niya hinabol pa ang suspek matapos na makitang duguan na ang kanyang mister dulot ng tama ng bala sa katawan nito.
Isang basyo ng bala ng 9mm na baril naman ang natagpuan ng pulisya sa lugar ng insidente. Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa matapos na walang maihayag na motibo si Marilyn sa pagpaslang sa kanyang mister. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended