^

Metro

5 Chinese tiklo sa kidnapping

-
Limang Chinese nationals na suspek sa pagdukot sa isang 80 anyos na French national ang naaresto ng mga operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa magkakahiwalay na operasyon sa Maynila at Pasay City.

Sina Willy Ang, Zian Uen Lu, Young Chan Tien, Zian Pien at Michael Zhu ay naaresto dahil sa pagkidnap sa isang Ngo Quang-Tong, isang Pranses na naninirahan sa Vietnam at kasalukuyang nasa humanitarian mission sa Pilipinas.

Ayon kay PNP director at PAOCTF chief Panfilo Lacson, dumating ng bansa si Ngo nitong Nobyembre 11 makaraang maengganyo ng isa niyang kaibigan na magtungo sa Pilipinas upang tulungan ang limang suspek sa paglilipat ng pondo para sa isang charitable institution mula sa nakadepositong pera ng isang hindi binanggit na mayamang negosyante sa Citibank sa Maynila.

Nasa ikaapat na araw na ng pananatili ang biktima sa Holiday Inn Pavillion Hotel sa UN Ave., Maynila ng puntahan siya sa kuwarto ng mga suspek na sina Ang at Lu at agad tutukan ng baril at hingan ng $50,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Nitong umaga ng Nobyembre 21 ay nalingat ang mga suspek kayat nagawa ng biktima na makatawag sa telepono sa duty officer ng hotel at nagsumbong na ginawa siyang bihag sa mismong kuwarto niya ng mga dumalaw sa kanyang kalalakihan.

Agad nagsagawa ng surveillance ang PAOCTF operatives at nasundan ang mga suspek hanggang sa Pasay City na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima at pagkakaaresto sa mga suspek.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention at robbery laban sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

HOLIDAY INN PAVILLION HOTEL

JOY CANTOS

LIMANG CHINESE

MAYNILA

MICHAEL ZHU

NGO QUANG-TONG

NOBYEMBRE

PANFILO LACSON

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with