Sa tatlong pahinang desisyon, sinabi ni QCRTC judge Monina Zenarosa, pinawalang-saysay na lamang nito ang kasong panghahalay ni Ovilla kay May Ginez dulot na rin ng kawalan ng pagpupursigi ng complainant na ipagpatuloy ang kaso.
Una nang nadismis ng korte ang kasong acts of lasciviousness ni Ovilla na isinama din dito ni Ginez, dulot na rin ng motion for desistance na isinumite ng dalaga sa korte noong nakaraang taon.
Si Ginez ay nagsabi noon sa korte na pinilit lamang siya ng dalawang pulis-Quezon City na ituloy ang pagsasampa ng kaso kay Ovilla at wala na siyang intensyon na ipagpatuloy pa ito.
Sa court record, sinasabing naganap ang paghalay ni Ovilla kay Ginez nang ito ay mabilanggo sa kasong pagnanakaw sa Station 9 ng CPD at ang insidente ay naganap mismo sa loob ng tanggapan ni Ovilla noong August 16, 1999. (Ulat ni Angie dela Cruz)