GRO pinag-shabu muna bago ni-rape ng trader
November 23, 2000 | 12:00am
Pinag-shabu muna bago pinagsamantalahan ang isang 18-anyos na guest relations officer (GRO) ng isang mayamang negosyante na sinasabing kaanak ng isang congressman sa isang lalawigan, kamakalawa ng gabi sa isang motel sa lungsod ng Makati.
"High" pa sa droga at lumuluhang nagsadya sa himpilan ng Womens and Childrens Desk Unit, Makati City Police ang biktima na itinago sa pangalang Myra, tubong San Carlos City, Negros Occidental, dalaga, kasalukuyang nakatira sa Bgy. Lapaz, lungsod na ito.
Samantala, pinaghahanap na ang suspek na si Rodolfo dela Cruz, 27, negosyante, binata, nakatira sa Macopa st., Dasmariñas Village, Makati City at kamag-anak umano ng isang kongresista sa isang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija na hindi na binanggit ang pangalan.
Kinilala naman ang mga "nagbugaw" sa biktima na sina Judie Masudo; Esmer de Guia, 21, kapwa taga-Davila st., Bgy. Sta. Cruz at Imelda Estilong, 31, ng Bgy. Tejeros ng nabanggit pa ring lungsod na pawang ipinagharap din ng reklamo.
Base sa pahayag ng biktima kay PO3 Gemma Reyes, dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi ay sinundo at ginising siya nina Masudo, de Guia at Estilong sa kanyang tinutuluyang bahay, kung saan ipinakilala sa kanya ang suspek na si dela Cruz.
Dakong alas-7:30 ng gabi, pinag-shabu muna umano siya sa bahay ng isa sa suspek na si Masudo at pagkatapos ay dinala siya ng lalaki sa isang hindi niya matandaang motel sa nabanggit na lungsod. Dito ay muli umano siyang pinagamit ng droga at saka isinagawa ang panghahalay sa kanya.
Matapos ang insidente ay agad na nagsadya sa nasabing himpilan ang dalaga at pinagharap ng reklamo ang mga naturang suspek. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended