Konduktor na nanggising ng pulis, pinatay
November 22, 2000 | 12:00am
Isang 29-anyos na konduktor ang binaril at napatay ng isang pasahero na hinihinalang isang pulis ng Western Police District, matapos umanong gisingin ito upang singilin ng bayad at tikitan ang huli na mahimbing na natutulog sa loob ng bus kahapon ng umaga sa South Expressway ng Sucat, Parañaque.
Dead-on-arrival nang isugod sa Makati Medical Center ang biktimang si Joerex Bolanos, konduktor ng Tritran Transit at nakatira sa STH City Homes, Biñan, Laguna, sanhi ng tinamong isang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Samantala, hindi pa kilala ng mga awtoridad ang pangalan ng suspek na hinihinalang kagawad ng pulisya na nakatalaga sa WPD matapos makita ang ID nito na ang tatak ay WPD police at singsing na PNP, 1999 na mabilis tumakas.
Base sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Opeo Raquiz Cariño, ng Criminal Investigation Division (CID), Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:20 kahapon ng umaga sa loob ng Tritran Transit na hindi nabanggit ang plaka habang binabagtas ang nabanggit na lugar.
Nabatid na ginising ni Bolanos ang natutulog na suspek upang singilin ito ng bayad at tikitan.
Naalimpungatan ang suspek at nagalit ito sa konduktor dahil ginising siya sa kanyang pagkakatulog na nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan.
Pagkababa ng suspek ay saka binaril si Bolanos na naging dahilan ng kamatayan nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended