Lady enforcer nagreklamo vs tiyuhin ni Mayor Abalos
November 21, 2000 | 12:00am
Dahil sa umanoy pang-aalipusta sa kanya at pagtatangka siyang sagasaan, kinasuhan kahapon sa pulisya ng isang lady traffic enforcer ang tiyuhing-buo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa isang komprontasyon sa trapiko.
Kinasuhan ni Josephine Palma, ng Blk. 35 Welfareville Compound, Bgy. Addition Hills, Mandaluyong si Dr. Arsenio Abalos, kapitan ng Bgy. Hagdang Bato Itaas at nakatatandang kapatid ni dating Mayor Benjamin Abalos Sr.
Sa reklamo ni Palma, nagtatrapiko umano siya dakong alas-9 ng umaga sa panulukan ng P. Cruz st. at Boni Avenue tulad ng nakagawian na. Nang magluwag na umano ang daloy ng trapiko, ipinasya niya at ng isa pang traffic enforcer na magpahinga muna at mag-kape.
Habang umiinom ng kape, huminto umano sa gitna ng kalsada si Abalos sakay ng isang public vehicle car na naging sanhi umano ng paghaba ng pila ng mga sasakyan.
Dito nila nilapitan si Abalos ngunit sa halip na sumunod sa batas trapiko, pinagalitan pa umano sila nito sabay na pagpapakilala na tiyuhin siya ni Mayor Abalos.
Nakasaad din sa reklamo ni Palma na pinagmumura pa umano sila ni Abalos at muntik nang mahagip ng sasakyan nito ang kanyang binti nang biglang pasibarin ang kotseng sinasakyan.
Ayon pa kay Palma, sa sampung taon umano niyang pagseserbisyo, ngayon lamang umano siya minaltrato nang husto. Nangangamba naman umano siya na baka masibak siya sa trabaho matapos na kuhanin ni Ablos ang kanyang pangalan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended