NPA lider sa Bicol sumuko
November 21, 2000 | 12:00am
Isang mataas na lider ng New Peoples Army (NPA) sa Bicol region ang sumuko kahapon kay Central Police District (CPD) director Victor Luga upang magbalik-loob na sa pamahalaan.
Si Salvador Golimlim alyas Ka Robert/Ka Doddie/Ka Lim, political leader ng Sandatahang Yunit Propaganda (SYP) sa lalawigan ng Sorsogon ay sumuko sa pakikipag-ugnayan dito kay C/Insp. Anthony Rodolfo, District Police Intelligence Unit chief ng CPD, sa pamamagitan ng isang rebel returnee din na unang sumuko kay Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. nitong Nob. 6.
Si Golimlim, na miyembro ng Bicol Regional Party committee ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay naglingkod bilang lider ng Squad Yunit Propaganda at Giyang Pampulitika sa Sorsogon mula noong 1992.
Inamin ni Golimlim na bilang lider ng NPA sa Bicol region ay nakapagsagawa siya ng mga ambushcades, pagsalakay sa mga military at police detachments at pagdukot sa itinuturing na kaaway ng rebolusyon.
Winika pa ng sumukong NPA commander, nagdesisyon siyang sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan dahil sa magulong takbo ng liderato sa communist movement ukol sa usaping pampulitika, pagkawala ng tiwala sa mga namumuno dito at ang mahigpit na kahilingan ng kanyang pamilya na magbalik-loob sa gobyerno at mamuhay nang payapa sa ilalim ng umiiral na demokrasya. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended