Ang biktima ay nakilalang si Mohammad Ali Acbar at kabilang sa mga nawalan ng tahanan sa may squatters area. Kasalukuyan itong nagpapagaling sa Sto. Tomas Hospital.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Fire Department na isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga residente na hinihinalang mula sa LPG tank na sumingaw at nagliyab dahil sa nakasinding kandila.
Umabot sa 60 kabahayan ang natupok na pawang mga yari sa kahoy sa Muslims area ng Soriano at Baltazar sts., Bgy. Sto. Tomas.
Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa lubog pa sa baha ang nasabing lugar at kinakailangan pang lumusong ang mga ito.
Tinitingnan naman ng mga pulisya ang anggulong sadyang pinasunog ang nasabing lugar dahil sa isang pulitiko ang interesado dito. (Ulat ni Danilo Garcia)