^

Metro

Ari ng paslit natusta sa sunog

-
Nagmistulang tustadong kikiam ang ari ng isang 2-anyos na batang lalaki matapos itong lamunin ng apoy dahil sa tatlong oras na sunog na tumupok sa bahay ng may 120 pamilya na nagkakahalaga ng P600,000 sa Pasig City.

Ang biktima ay nakilalang si Mohammad Ali Acbar at kabilang sa mga nawalan ng tahanan sa may squatters’ area. Kasalukuyan itong nagpapagaling sa Sto. Tomas Hospital.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Fire Department na isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga residente na hinihinalang mula sa LPG tank na sumingaw at nagliyab dahil sa nakasinding kandila.

Umabot sa 60 kabahayan ang natupok na pawang mga yari sa kahoy sa Muslim’s area ng Soriano at Baltazar sts., Bgy. Sto. Tomas.

Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa lubog pa sa baha ang nasabing lugar at kinakailangan pang lumusong ang mga ito.

Tinitingnan naman ng mga pulisya ang anggulong sadyang pinasunog ang nasabing lugar dahil sa isang pulitiko ang interesado dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BALTAZAR

BGY

DANILO GARCIA

KASALUKUYAN

LUMALABAS

MOHAMMAD ALI ACBAR

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DEPARTMENT

STO

TOMAS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with