^

Metro

Barangay tanod inutas ng mga vendor

-
Isang barangay tanod ang pinagbabaril, sinaksak at pinagpapalo hanggang sa mabiyak ang ulo ng hindi nakilalang mga naghiganting sidewalk vendor kahapon ng umaga sa Commonwealth Heights, Quezon City.

Ang nasawing bgy. tanod ay nakilalang si Michael Lepter, 44, may asawa at nakatira sa Bgy. Commonwealth, QC.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:20 ng umaga nang matagpuang patay ang biktima sa tapat ng isang bahay sa #45 Pres. Manuel Quezon st., Commonwealth Heights ng kapwa niya mga barangay tanod.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at palo sa ulo na halos ikinabiyak ng bungo ng biktima nang matagpuan.

May hinala ang mga awtoridad na pinaslang ito bilang paghihiganti ng hindi nakilalang mga sidewalk vendor na palagi umanong pinaaalis ng biktima sa bangketa dahil miyembro ito ng barangay anti-vending task force.

Nagsasagawa naman ng masusing follow-up at manhunt operations ang mga awtoridad upang makilala at maaresto ang mga suspek. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

BGY

COMMONWEALTH HEIGHTS

MANUEL QUEZON

MICHAEL LEPTER

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with