Robbery / snatching gang nalansag
November 18, 2000 | 12:00am
Malaki ang paniwala ng pulisya na nalansag nila ang isang sindikato na bumibiktima ng mga bagong salta sa Tondo, Maynila matapos na madakip ang apat na hinihinalang miyembro ng isang robbery/snatching gang sa sunud-sunod na operasyong isinagawa ng mga operatiba ng Western Police District-Station 1 kahapon.
Kinilala ng pulisya ang naarestong mga suspek na sina Ben Piso, walang hanapbuhay, ng #22 Units 73 NHA Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila. Siya ay naaktuhan ng pulisya habang binibiktima ang isang Carmen Hughers, 63, vendor, tubong Bulacan at nakatira sa Blk. 1 Lot 30, Phase 1, Kanluran Hill, Nvotas.
Kasunod namang naaresto ang mga kasamahan ni Piso na sina Jimmy Gonzales, 20, binata, vendor, tubong Leyte, ng 1342 Moriones st., P. Garcia, Tondo; Rolando Masangkay, 23, binata, helper, tubong Borongan, Samar, ng 565 Moriones, Tondo; at isang Manuel Mahinay.
Bukod sa biktimang si Hughes, positibong itinuro ang mga suspek na siyang responsable sa panghoholdap sa isang Indian national na si Sukhvinder Singh Bains, 40, negosyante, tubong Panjab, India, nanunuluyan sa Blk. 35, Lot 7, F1 Dagat-Dagatan, Caloocan City at isang Milagros Borja, 48, ng Daang-Hari, Navotas.
Ayon pulisya, karamihan sa mga tinatarget ng mga suspek na bibiktimahin ay ang mga taong bagong salta sa Tondo.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong robbery/snatching at kasalukuyang nakapiit sa Station1 detention cell. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended