4 kidnaper hinatulang mabitay
November 18, 2000 | 12:00am
Apat na kalalakihan ang nadagdag sa listahan na nakatakdang mamatay sa lethal injection matapos na hatulan kahapon ng Pasig City Regional Trial Court nang mapatunayang kinidnap ang isang 11-anyos na batang lalaki noong 1998.
Nakilala ang mga hinatulan na sina Antonio Siongco, 36, security guard; Eriberto Enriquez, 37; George Hayco, 25; at Allan Bonsol, tricycle driver, pawang mga residente ng Balanga, Bataan.
Pinawalang-sala naman ng korte ang ikalimang akusado na si Marion Botton matapos na mabigong makapagpakita ng sapat na ebidensya laban dito.
Sa 14-pahinang desisyon ni Judge Jesus Bersamira ng Branch 166, ipinag-utos din niya na magbayad ang apat ng P50,000 bawat isa sa pamilya ng kanilang biktimang si Nikko Satimbre at ang kabuuang gastos sa kaso.
Sa testimonya ni Satimbre, nagtungo umano siya sa pinapasukang shoe store ng kanyang ina noong Disyembre 27 dakong alas-6 ng gabi ngunit sinalubong siya ng suspek na si Siongco at inalok na bibigyan ng laruang "game boy" na usung-uso noon.
Dinala umano siya ni Siongco sa isang karnabal dahil doon kukunin ang laruan subalit isinakay siya sa isang owner-type jeep ng iba pang mga akusado at ikinulong sa isang bahay sa Bicutan, Taguig.
Dito na tumawag ang mga akusado sa ina ni Satimbre sa Balanga, Bataan at humingi ng P400,000 bilang ransom. Nagkaroon ng tawaran hanggang sa maibaba ito sa P300,000.
Matapos makipagkasundo, humingi na ng tulong ang ina ni Satimbre sa lokal na pulisya ng Balanga na nakipag-ugnayan naman sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).
Nadakip sa isinagawang entrapment ang akusadong si Enriquez sa aktong tumatanggap ng ransom money sa Genesis bus terminal sa Pasay City. Nadakip din ang iba niyang mga kasamahan sa isinagawang follow-up operation ng PAOCTF. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest