Trailer nawalan ng giya: 2 katao patay, 3 grabe
November 17, 2000 | 12:00am
Dalawa katao ang napatay samantalang nasa kritikal na kondisyon ang tatlo pa, matapos mawalan ng giya ang isang trailer truck mula north bound at papatawid patungong south bound kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng South Expressway, Sucat, Parañaque.
Kinilala ng Southern Traffic Division ang mga biktima na sina Carlito Carreon, 36, at Marvin Ponferada, 23, kapwa taga-Calamba, Laguna.
Samantala, ang tatlong sugatan ay nakilala namang sina Niño Vergara, Renato Salustiano at Nestor Magana na pawang ginagamot sa hindi pa rin nabanggit na ospital.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:45 kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lugar nang mawalan ng kontrol ang isang trailer truck, may plakang PLC-812, na naging dahilan upang tumilapon ang karga nitong mga semento na ginagamit sa paggawa ng pundasyon ng flyover.
Dahil dito, mula sa north bound, tumawid ang nguso ng nasabing truck patungong south bound na naging dahilan upang mahagip nito ang humahagibis na L-200 pick-up na may plakang 108 at kung saan nakasakay ang nabanggit na mga biktima.
Nakatakdang kasuhan ang driver ng truck na sinasabing isa sa mga nasugatan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended