Ayon kay Capco, mahigit 3,000 katao ang nailikas at kasalukuyang nasa mga evacuation centers matapos na palubugin ng dalawang nagdaang bagyo ang 60 porsiyentong bahagi ng Pateros. Ang mga barangay na matinding tinamaan ay Sta. Ana.
Personal na dinaluhan ni Madrigal ang nasabing bayan at namigay ng pagkain, gamot at mga damit sa daang pamilya na kasalukuyang hindi pa nakababalik sa kani-kanilang mga tahanan.
Bunga nito ay nanawagan si Capco ng marami pang donasyon sa flood victims higit ang pagkain at gamot, gayundin ang coconut lumber na ayon sa kanya ay malaki ang maitutulong sa may 7,000 residente dahil magagamit ito bilang tulay para makalipat-lipat ng lugar ang mga residente.
"This is a quick response to Mayor Capcos appeal because our people deserve assistance at this time, especially those with young families and children," pahayag ni Madrigal. (Ulat ni Danny Garcia)