^

Metro

Problema sa Pateros inaksyunan ng Palace official

-
Pinagkalooban ni Presidential Adviser for Children’s Affairs Jamby Abad Santos Madrigal ng tulong ang libong residente sa bayan ng Pateros na kasalukuyan pa ring nakalubog sa tubig-baha, bilang tugon sa panawagan ni Mayor Jose "Pepe" Capco.

Ayon kay Capco, mahigit 3,000 katao ang nailikas at kasalukuyang nasa mga evacuation centers matapos na palubugin ng dalawang nagdaang bagyo ang 60 porsiyentong bahagi ng Pateros. Ang mga barangay na matinding tinamaan ay Sta. Ana.

Personal na dinaluhan ni Madrigal ang nasabing bayan at namigay ng pagkain, gamot at mga damit sa daang pamilya na kasalukuyang hindi pa nakababalik sa kani-kanilang mga tahanan.

Bunga nito ay nanawagan si Capco ng marami pang donasyon sa flood victims higit ang pagkain at gamot, gayundin ang coconut lumber na ayon sa kanya ay malaki ang maitutulong sa may 7,000 residente dahil magagamit ito bilang tulay para makalipat-lipat ng lugar ang mga residente.

"This is a quick response to Mayor Capco’s appeal because our people deserve assistance at this time, especially those with young families and children," pahayag ni Madrigal. (Ulat ni Danny Garcia)

AFFAIRS JAMBY ABAD SANTOS MADRIGAL

AYON

BUNGA

CAPCO

DANNY GARCIA

MAYOR CAPCO

MAYOR JOSE

PATEROS

PEPE

PRESIDENTIAL ADVISER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with