^

Metro

Dalaga ninakawan, nabigong magahasa, pinatay

-
Isang 33-anyos na dalaga ang natagpuang patay na tadtad ng taga at saksak sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan na pinaniniwalaang ninakawan at tinangkang pagsamantalahan ng hindi pa kilalang mga suspek na naganap mismo sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa lungsod ng Muntinlupa, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Felix Paor ng Criminal Investigation Division (CID), Muntinlupa City Police ang biktimang si Marissa Rance, isang mananahi sa Philmosa Garments at nakatira sa #375 Interior st., Bgy. Cupang ng lungsod na ito.

Tinatayang isa hanggang dalawa ang suspek na puwersahang pumasok sa bahay ng biktima.

Base sa nakalap na impormasyon mula sa ilang kapitbahay ng biktima, dakong ala-una hanggang alas-2 kamakalawa ng hapon ay nakarinig ang ilang kapitbahay ng tila sigaw na nagmamakaawa na nagmumula sa inuupahang kuwarto ng biktima. Pagkaraan ng ilang oras ay biglang natahimik.

Nagtataka ang may-ari ng inuupahang bahay na nakilalang si Apolonia Andaya na hindi lumalabas ng bahay ang dalaga kaya’t naglakas-loob ang isang kalapit-kuwarto nito na nakilalang si Roberto Arevalo na buksan ang pintuan at dito tumambad sa kanila ang bangkay ng dalaga na tapyas ang ulo, tadtad ng taga at saksak ang katawan.

Sa teorya ng pulisya, posible umanong tinangkang pagnakawan ang dalaga dahil sa kalat-kalat ang gamit at bukas ang mga drawer nito na nang natunugan ng biktima ang masamang balak ng mga suspek ay pinatay ito.

Posible rin umano na tinangkang pagsamantalahan ang dalaga ng mga suspek dahil sa nakita dito ang lagas-lagas na buhok mula sa kaselanang bahagi nito na nang manlaban ay pinatay. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa kasong ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

APOLONIA ANDAYA

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CUPANG

FELIX PAOR

LORDETH BONILLA

MARISSA RANCE

MUNTINLUPA CITY POLICE

PHILMOSA GARMENTS

ROBERTO AREVALO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with