Nagkabit ng poster ni GMA, 4 dinakip

Dahil lamang sa pagkakabit ng streamer ni Bise Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, apat na katao ang dinakip ng pulisya kahapon ng madaling-araw sa kahabaan ng Pasong Tamo st., Makati City.

Gayunman, makalipas ang ilang oras ay pinakawalan din ng pulisya matapos walang maikaso sa mga inarestong sina Amor Cordova, 22, binata, driver; Rodolfo Magora, 33, pawang nakatira sa #101-B Dagupan st. at Anthony Blanco, 20, binata, pawang ng Tondo, Maynila.

Nabatid na dakong alas-2:30 kahapon ng madaling-araw, habang nagpapatrulya ang mga kagawad ng Makati City Police ay namataan nila ang lima na naglalagay ng streamer ni Vice-President Arroyo na ang nakasulat ay "President Gloria."

Mabilis na inaresto ang apat at dinala sa Makati City police headquarters. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments