MD graduate di nakapag-board exam dahil hindi naibigay ang 'leakage'
November 15, 2000 | 12:00am
Isang 34-anyos na babaeng nagtapos ng kursong medisina ang naghain ng reklamo kahapon sa pulisya laban sa isang umano’y ‘fixer’ matapos na makapagbigay ng halagang P120,000 sa huli kapalit ng pangako nito na magbibigay ng ‘leakage’ para maipasa ang medical board examination ay hindi na nagpakita na naging dahilan para di makapag-exam ang biktima kamakailan.
Si Severina Nobleza, may asawa at residente ng #38-A Anthem st., Sta. Cecilia Village, Talon II, Las Piñas City ay dumulog sa Western Police District-General Assignment Division upang pormal na sampahan ng kasong estafa ang suspek na si Gloria Chavez ng #1058 New Antipolo st, Tondo, Manila.
Sa salaysay ng biktima, nagkakilala sila ng suspek sa pamamagitan ng isa niyang kaibigan na nagbigay naman ng kasiguruhan na matutulungan siya ni Chavez na makapasa sa medical board examination noong nakalipas na Agosto.
Nagkita umano ang biktima at suspek sa isang restaurant sa tapat ng PGH noong Hulyo 10, 2000 bandang alas-4 ng hapon kung saan ang una ay nakapagbigay ng partial payment na P60,000 para sa ipinangakong reviewers.
Sinabi umano ni Chavez na sa Agosto 4 niya ibibigay ang mga reviewer na kakailanganin ng complainant at sa nasabing araw ay kinakailangan aniya na maibigay ang balance pang P30,000.
Nang magkita ang dalawa noong Agosto 4 ay ibinigay ng complainant ang karagdagang P30,000 kasabay ng paghingi ni Nobleza ng mga reviewers subalit muling nangako ang suspek na kanyang ibibigay ang mga ito limang araw bago ang eksaminasyon kung saan nakatakda noong Agosto 12, 13, 19 at 20.
Noong Agosto 8, muling nagkita ang complainant at si Chavez at ibinigay na ang balanseng P30,000 gayunman, muling nangako ang suspek na bago ganapin ang board exam ay ibibigay na niya ang mga leakage.
Dahil sa kabiguan ng suspek na ibigay ang mga reviewers bago idaos ang exam ay nabigo na rin ang biktima na mag-take ng exam.
Matapos ito, nakiusap umano si Chavez kay Nobleza na ibabalik na lamang ang perang nakuha ng una sa huli subalit nabigo na itong magpakita pa. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended